Higit ₱1-B halaga ng smuggled na sigarilyo, nakumpiska ng Bureau of Customs

Umaabot sa P1.4 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Sulu.

Ang nasabing warehouse ay unang inireport sa Intelligence Group ng BOC kung saan nagtatago ito ng libo-libong smuggled na sigarilyo.

Kaugnay nito, agad na naglabas ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kaya’t isinailalim sa inspeksyon ang warehouse.


Dito ay nakita ng mga otoridad ang nasa 18,533 kahin ng mga imported na sigarilyo na kinabibilangan ng Bravo, New Far, BPBM, Billionaire, Cannon, Souvenir, Astro, Wilcon, New D’ Premier, B&E Ice at Fort.

Agad na kinumpiska ng BOC ang mga nasabing sigarilyo at inaaalam na kung paano ito nakarating ng bansa.

Sinabi naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, isa lamang ito sa mga hakbang ng Customs na mapigilan ang pagpasok o pagbebenta ng mga smuggled na produkto kung saan kahit na may kalayuan tulad ng Sulu, hindi sila titigil upang mapanagot ang mga gumagawa ng iligal.

Facebook Comments