Pinaiigting ng Dagupan City Police Station 1 ang pagpapatupad ng mga checkpoint at operasyon sa mga kalsada upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lungsod.
Ayon kay PCpt Christopher Agnote, Officer in Charge ng Dagupan City Police Station 1, isinasagawa ang Oplan Sita sa mga checkpoint upang mahuli ang mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko at lokal na ordinansa ng lungsod.
Karamihan sa mga nahuli sa operasyon ay mga motoristang nagmamaneho nang walang lisensiya at hindi nagsusuot ng helmet.
Paglilinaw ni Agnote, umaabot sa mahigit sampung motorista kada araw ang nahuhuli sa kanilang operasyon at napapatawan ng ticket o parusa dahil sa kanilang mga paglabag.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga checkpoint at operasyon sa mga kalsada, lalo na sa papalapit na mga pagdiriwang.
Kaugnay nito, nagpaalala ang kapulisan sa mga motorista, gayundin sa mga gumagamit ng pribado at pampublikong sasakyan, na sumunod sa mga batas trapiko at lokal na ordinansa upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










