KONSTRUKSYON NG DRAINAGE SYSTEM SA BARANGAY ARISTON WEST, ASINGAN, SINURI UPANG MATIYAK ANG KALIDAD AT MAIWASAN ANG PAGBAHA

Sinuri ng monitoring team ang kasalukuyang konstruksyon ng drainage system sa kahabaan ng Barangay Ariston West, Asingan Road, sa bayan ng Asingan, Pangasinan, upang masubaybayan ang progreso at matiyak ang kalidad ng proyekto.

Layunin ng project visitation na masuri ang kalagayan ng konstruksyon, kalidad ng mga ginagawang pasilidad, at kakayahan ng drainage system na maghatid ng maayos na daluyan ng tubig, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagbabawas ng naipong tubig sa mga kalsada at kabahayan, gayundin sa pagprotekta sa mga pananim at kalusugan ng mga residente laban sa mga panganib na kaugnay ng maruming tubig at mga lugar na pinamumugaran ng lamok.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang monitoring team sa pamunuan ng Barangay Ariston West at sa mga residente dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng proyekto.

Patuloy namang isinusulong ang pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura na naglalayong mapabuti ang daluyan ng tubig at mapalakas ang kahandaan ng mga komunidad laban sa pagbaha sa bayan ng Asingan at sa buong Ikaanim na Distrito ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments