Tumanggap ng mga binhi ng mais at abono ang 103 magsasaka sa bayan ng Villasis, Pangasinan bilang suporta sa pagpapatupad ng 100-hektaryang Corn Model Farm.
Ipinamahagi ng Department of Agriculture–Regional Field Office I o DA-RFO I ang mga farm input sa mga benepisyaryong kabilang sa corn cluster na binubuo ng iba’t ibang asosasyon ng mga magsasaka sa bayan.
Isinagawa ang distribusyon sa Villasis Palay Drying Facilities and Warehouse sa Barangay Unzad.
Bahagi ito ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation o F2C2 Program, na layong pagsama-samahin ang mga magsasaka sa mga cluster upang masuportahan ang kanilang mga pangangailangan sa agrikultura.
Gagamitin ang mga ipinamahaging binhi at abono sa pagtatanim ng mais sa ilalim ng nasabing programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










