Higit 14,000 trabaho, naipagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Aabot sa 14,393 na indibidwal ang naitala ng lokal na pamahalaan ng Maynila na natulungan nila na magkatrabaho.

Ito’y sa mga ikinakasa nilang programa tulad ng Kalinga sa Maynila at mga job fair na pinapangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Manila LGU.

Sa nasabing bilang, 3,455 hired on the spot; 5,765 hired via placement report of employees; 149 sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) para sa mga estudyante at 914 ang TUPAD beneficiaries.


Sa ilalim naman ng Government Internship Program (GIP), 1,000 ang natanggap ng local government unit; 240 sa national government at ang iba ay naikalat naman sa iba’t ibang establisyimento sa lungsod.

Ang ibang nabigyan ng trabaho ay kinabibilangan ng 31 persons with disability at 57 senior citizens.

Kaugnay nito, inihayag ni Mayor Honey Lacuna na tuloy-tuloy pa rin ang isasagawa nilang job caravans, job fairs at iba pang paraan ng special recruitment activities upang magkaroon ng trabaho ang mga walang hanapbuhay.

Facebook Comments