Tuesday, June 23, 2026

Mga menor de edad sa Tacloban school shooting, maaaring panagutin sa batas —DSWD Sec. Gatchalian

Naniniwala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na maaari pa ring managot sa batas ang mga menor de edad na nasa edad 15 hanggang wala pang 18 .

Ito’y kung mapatutunayang alam nilang mali ang kanilang ginawa at nauunawaan nila ang magiging kahihinatnan nito.

Ito ang ipinahayag ng kalihim kasabay ng katiyakang mahigpit nilang susundin ang Juvenile Justice and Welfare Act sa paghawak sa kaso ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte.

Aniya, ilalagay sa Bahay Pag-asa o youth rehabilitation center ang mga sangkot na menor de edad para sa kaukulang intervention program.

Samantala, nagbigay na ang DSWD ng mahigit Php 100 libong ayuda sa siyam na nasugatan at tig-Php 10 libo sa tatlong pamilyang naulila.

Nagkaloob din ang ahensya ng psychosocial support sa mga estudyante at magulang na naapektuhan ng insidente.

Facebook Comments