Monday, June 22, 2026

2-DAY YOUTH CAMP AT TEAM BUILDING PARA SA CHILD REPRESENTATIVES SA ALAMINOS CITY, INILUNSAD

Inilunsad ngayong araw ang 2-Day Youth Camp cum Team Building na may temang “Better Leader for a Better Future: Let’s Camp and Learn!” para sa mga child representatives mula sa Alaminos City Council for the Protection of Children (ACCPC), Barangay Council for the Protection of Children, Pag-asa Youth Association of the Philippines officers, at barangay coordinators ng lungsod.

Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga kabataang lider sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at learning sessions na nakatuon sa pagtutulungan, disiplina, camaraderie, at iba pang mahahalagang katangian bilang pundasyon ng epektibong pamumuno.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pangangasiwa ni CSWD Officer Elizabeth A. Radoc, RSW, bilang bahagi ng inisyatibo ng ACCPC sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste bilang Chairperson. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments