BAGONG BARANGAY HALL SA GUISET NORTE, SAN MANUEL, PORMAL NANG IPINAGKALOOB

‎Pormal nang naipagkaloob sa mga residente ng Barangay Guiset Norte, San Manuel ang bagong barangay hall na layuning mapalapit pa ang serbisyong pampubliko sa komunidad.
‎‎Ang naturang pasilidad ay magbibigay umano ng mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente, mas maayos na daloy ng pamamahala, at mas pinalakas na ugnayan at pagkakaisa sa loob ng barangay.

‎Inaasahang magsisilbi itong sentro ng tapat na serbisyo, bukas na komunikasyon, at malasakit para sa bawat pamilyang Guiset Norte.

‎Pinuri naman ng mga opisyal ang patuloy na pagsisikap na maihatid ang mga proyektong pangkaunlaran sa ika-6 na Distrito ng Pangasinan na anila ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.

‎Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na magpapalakas sa lokal na pamamahala at magpapahusay sa paghahatid ng serbisyo sa bawat komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments