
Nakipagpulong ang Department of Energy (DOE) sa mga kinatawan ng Russian Federation Embassy para sa pagtutulungan sa coal supply.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas sa as energy security ng bansa.
Ayon sa DOE, bahagi rin ito ng kanilang mandato na bigyan ng prayoridad ang pagpapalawak sa energy sources para sa katatagan ng enerhiya ng bansa.
Kabilang na rito ang pagpasok sa partnership sa mga potensyal na suppliers na susuporta sa pangangailangan ng Pilipinas sa enerhiya.
Facebook Comments










