Nakatakdang sanayin ang mga piling mag-aaral sa Manaoag, Pangasinan sa pagpapanatili ng disiplina at kaayusan sa loob ng kanilang mga paaralan.
Ito ang isa sa mga napagkasunduan sa emergency meeting na dinaluhan ng mga school heads, Manaoag PNP, Federated Parents-Teachers Council, Traffic Operations Office, at iba pang concerned agencies noong Hunyo 24, 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isinagawa ang pagpupulong na ipinatawag ng alkalde ng bayan kasunod umano ng mga naitalang insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang sa mga inilatag ang panukalang Junior Police Officer Program ng Manaoag Police Station.
Sa ilalim nito, sasanayin umano ang mga piling estudyante para maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng Manaoag National High School na ipinatutupad ang mahigpit na security measures para sa mahigit 6,000 estudyante.
Giit ng paaralan, patuloy na isinagawa ang inspeksyon, random spot checks, at pagpapatupad ng Learner Rights and Protection Office (LRPO) sa paaralan.
Ayon parin sa ulat, nakatakdang maglabas ang alkalde ng Manaoag ng isang Executive Order para pagtibayin ang mapagdidisyunan mula sa pulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










