BAKBAKAN NA | Naudlot na laban nina Jerwin Ancajas at Jonas Sultan, sa Las Vegas na gagawin

Manila, Philippines – Posibleng sa Las Vegas na gagawin ang naudlot na laban ni IBF Superflyweight Champion Jerwin Ancajas kontra sa kapwa Filipino boxer na si Jonas Sultan.

Ayon sa kampo ni Ancajas, sa huling linggo ng Mayo ito gagawin pero wala pang eksaktong petsa.

Ang Top Rank Promotion na ang bahalang mag-anunsyo ng nasabing laban kung saan napili nila ang Las Vegas dahil dito daw nakilala si Ancajas.


Kabilang sana ang laban ng dalawang Pinoy boxer sa undercard fight sa hindi natuloy na paghaharap nina Jeff Horn at Terrence Crawford sa April 24.

Facebook Comments