Wednesday, June 17, 2026

Pagresolba sa isyu sa liderato ng Senado, tunay na layunin ng special session ayon sa Makabayan Bloc

Naniniwala ang mga kongresistang bumubuo sa Makabayan Bloc na ang tunay na layunin ng special session na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay resolbahin ang isyu sa liderato ng Senado at ikalawa na lang ang pagpasa ng mga mahalagang panukalang batas.

Bunsod nito ay hinihikayat nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Elago at Renee Co ng Makabayan Bloc ang publiko na bantayang mabuti ang mga kaganapan sa Senado ngayong araw.

Diin ng Makabayan Bloc, anumang pagbabago sa liderato ng Senado ay hindi dapat maging daan para makaligtas sa pananagutan ang mga senador na inaakusahan ng katiwalian.

Nagbabala din ang Makabayan sa Bloc sa publiko kaugnay sa pagsasabatas ng watered-down anti-dynasty bill na sa halip makapigil ay lalo pang magbibigay laya sa political dynasties.

Facebook Comments