House deputy speaker Loren Legarda, nangunguna sa pinakahuling survey ng OCTA Research sa pagkasenador

97

Nanguna si Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda sa pinakahuling survey ng OCTA Research sa pagkasenador.

Nakakuha ng 69% si Legarda sa survey na isinagawa nitong Marso 5 hanggang Marso 10, 2022 sa 1,200 respondents.

Kasama ni Legarda na nangunguna sa rankings sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Senator Migz Zubiri na may 66%.


Bukod kay Legarda, pasok din sa top 12 sina Chiz Esudero, Raffy Tulfo, Alan Peter Cayetano, JV Ejercito, Robin Padilla, Jejomar Binay, Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.

Samantala, bukod sa senatorial preference survey ay nangunguna rin si Legarda sa awareness rating na may 99%.

Facebook Comments