Thursday, October 22, 2026

Rekomendasyon ng DOLE na payagang lumiban ang mga manggagawa kapag 40°C ang heat index, pag-aaralan ng Palasyo

Kailangan pang pag-aralan ng Malacañang ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagang hindi pumasok sa trabaho ang mga manggagawa kapag umabot sa 40°C ang heat index.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bagama’t sanay ang mga Pilipino sa mainit na panahon, dapat pa ring isaalang-alang ang kanilang kaligtasan, lalo na ngayong nakararanas ang bansa ng matinding El Niño.

Aniya, susuriin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung nararapat ipatupad ang naturang hakbang.

Plano ng DOLE na isama ito sa ilalabas na advisory at target ipatupad mula sa susunod na buwan hanggang Marso.

Facebook Comments