
Isasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa digital forensic examination ang mga narekober na gamit ng 82 years old na si Thomas Markle Sr. na hinihinalang naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials.
Narekober sa bahay nito sa Cebu City ang apat na kahon ,laman ang ilang mga mobile phones, computer CPUs, hard drives, at iba pang gamit na isinuko sa pulisya ng kanyang anak na si Thomas Markle Jr.
Sa ngayon, hawak na ito ng Women and Children Protection Center Visayas Field Unit para sa dokumentasyon at pag-aapply ng warrant para ma-examine ang computer data.
Kaugnay nito, inaasahan naman na tumagal ng isang linggo ang forensic examination sa mga gamit ng nasabing matandang Markle at kung mapatunayang may paglabag ay masasampahan ng kaukulang kaso.
Ayon sa ulat naman ng PNP, si Markle ay dumating sa Cebu noong January 2025 at umalis ng bansa nitong May 2026.










