Monday, October 26, 2026

Operasyon laban kay Sen. Bato, magpapatuloy kahit lumampas ang isang linggong ultimatum —Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na magpapatuloy ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) para arestuhin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kahit hindi ito sumuko sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kinumpirma ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi titigil ang operasyon, alinsunod sa direktiba na ipatupad ang batas at hulihin ang mga dapat arestuhin.

Samantala, ipinaubaya ng Palasyo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang posibleng imbestigasyon sa mga ari-arian ni Dela Rosa at ang pag-freeze sa mga ito kung may sapat na batayan.

Ayon kay Castro, may kapangyarihan ang AMLC na magsagawa ng sariling imbestigasyon.

Wala pa namang kumpirmasyon kung sisiyasatin o ipa-freeze ang mga asset ng senador.

Facebook Comments