Tuesday, October 20, 2026

Red at yellow alert, itataas sa Visayas Grid ngayong Martes

Itataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red ay Yellow Alert sa Visayas Grid ngayong Martes, Oktubre 20.

Nakatakdang pairalin ang Red Alert mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng gabi, habang Yellow Alert naman mula alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kabilang sa mga dahilan ng pagdeklara ng Red at Yellow Alert ang hindi operasyon ng malalaking coal-fired power plants na PEDC 3 at KSPC 1, gayundin ang limitadong power import mula sa Mindanao dahil sa planadong maintenance o outage ng GNPK 4, TSI 2, TMI Mobile 2 Unit 2, at Pulangi 4 Unit 2.

Ang Red Alert ay idinedeklara kapag kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga consumer at ang regulating requirement ng transmission grid, habang ang Yellow Alert ay nangangahulugang kulang ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Facebook Comments