House Prosecution panel, hihingi ng paglilinaw sa impeachment court dahil nalalabuan sa mga naging desisyon at kautusan nito kaugnay sa Articles of Impeachment

Maghahain ng motion for clarification o hihingi ng paglilinaw sa impeachment court ang House Prosecution team kaugnay sa utos nito na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa isang miyembro ng House Prosecution team na si Batangas Representatives Gerville Luistro, nalalabuan sila sa naging hakbang o utos ng impeachment court.

Nanindigan din ang prosecution panel na istrikto nilang sinusunod ang konstitusyon sa paghahain ng impeachment case laban sa bise presidente.

Kaugnay nito ay binanggit ni Luistro na kanilang ikinalugod ang pagsisilbi ng impeachment court ng summons kay VP Sara na nangangahulugan na gumugulong at buhay na buhay na ang proseso ng impeachment.

Facebook Comments