Tuesday, July 7, 2026

VP Sara, bumisita kay Senator Rodante Marcoleta sa PNP General Hospital ngayong umaga

Kinumpirma ni PCol. Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine Department ng Philippine Nationa Polce (PNP), na bumisita ngayong araw si Vice President Sara Duterte kay Senator Rodante Marcoleta sa PNP General Hospital.

Ayon kay Bayani, mga 7:30 ng umaga, bumisita ang bise presidente kay Sen. Marcoleta at mga 8:30 ay umalis na rin ito.

Maliban sa pagbisita, wala naman ng ibang detalye na inilabas ang PNP kaugnay rito.

Sa ngayon ay under evaluation pa rin ang senador at hinihintay pa nila ang resulta ng mga laboratory test nito.

Dagdag pa ni Bayani, masasabing stable naman sa ngayon ang kalagayan ni Senator Marcoleta pero sasailalim pa rin ito sa monitoring dahil na rin sa kanyang edad na 72 years old na nakararanas na ng mga sintomas.

Facebook Comments