Monday, July 6, 2026

House prosecution panel, hiniling sa Senate Impeachment Court na pagtuunang mabuti sa pagpapasya ang mga ebidensya, testigo, at records

Hiniling ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro sa Senate Impeachment Court na pagtuunang mabuti ang mga ebidensya, records, at testimonya ng mga testigo sa kanilang pagpapasya hinggil sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang opening statement sa pagsisimula ng impeachment trial ay iginiit ni Luistro na hindi dapat ikonsidera ng mga senator-judge sa kanilang pagdedesisyon ang politika, popularidad, takot, at katapatan sa kaninuman.

Ayon kay Luistro, ang pagsusulong ng pananagutan ni VP Sara ay hindi nakabase lang sa mga chismis, haka-haka, propaganda, at mga kwento sa social media.

Diin ni Luistro, ang articles of impeachment na ipiprisenta ng prosekusyon ay nakabatay sa mga official records, financial documents, government reports, video recordings, sworn statements, at independent findings.

Iginiit ni Luistro na kapag naipresenta na ng prosekusyon ang mga dokumento, mga ebidensya at testigo ay lilitaw ang katotohanang nilabag ni VP Duterte ang katotohanan na nilabag at inabuso ni VP Duterte ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mamamayang Pilipino at ang konstitusyon mismo ang humihingi sa kanya ng pananagutan.

Facebook Comments