Friday, July 17, 2026

House prosecution panel, umaasang matatapos ang impeachment trial bago mag-Pasko

Screenshot from Senate of the Philippines/Facebook

Umaasa ang house prosecution panel na bago magpasko ay matatapos na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, ito ang hangad nila para masaya ang Pasko nating lahat.

Sabi ni Luistro, ito ang dahilan kaya inilaglag na nila ang ibang mga testigo para sa Article IV ng Articles of Impeachment na sa tingin nila ay dodoble lang sa mga testimonya at ebidensya na nailahad na sa paglilitis.

Kabilang sa mga testigong ini-atras ng prosekusyon para sa alegasyong grave threats at inciting to sedition ay sina Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez at pitong iba pa.

Binanggit ni Luistro na patuloy rin nilang ni-re-review ang listahan ng kanilang mga testigo para sa tatlo pang Articles of Impeachment upang matukoy kung paano pa sila mababawasan.

Facebook Comments