Friday, July 17, 2026

Malacañang, hinamon si VP Sara na ipakita ang tax record kung walang itinatago sa taumbayan

Iginiit ng Malacañang na obligasyon ni Vice President Sara Duterte na ipakita ang katotohanan sa taumbayan kung wala itong itinatago.

Ito ang tugon ng Palasyo matapos sabihin ng kampo ni Duterte na wala silang kinatatakutang mga dokumento, ngunit tumututol sa kahilingang mabuksan ang financial records ng bise presidente dahil sa usaping legal.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi “magic wand” ang impeachment, ngunit ang pinakamahalaga ay ang katotohanan.

Kung wala aniyang dapat ikatakot si Duterte, wala itong dahilan para hindi ipakita ang kanyang mga record.

Duda rin si Castro na pipirma ang Bise Presidente ng waiver para mabuksan ang kanyang financial records.

Samantala, sa ngayon ay wala pang awtorisasyong nilalagdaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mailabas ang tax records ni VP Sara.

Facebook Comments