Friday, July 17, 2026

AFP, tiniyak na hindi magkakaroon ng leadership vacuum kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr.

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi magkakaroon ng leadership vacuum o kawalan ng pamumuno ang nasabing ahensiya kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa July 21.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, meron naman silang palaging officer-in-charge sakaling wala pang permanenteng maitatalaga kapalit ni Brawner sa chief of staff na posisyon.

Ayon kay Padilla, hindi maaaring matengga ang operasyon ng AFP bilang isa ito sa mga pangunahing ahensiya na nakatutok sa Pambansang Seguridad.

Samantala, ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad na mananatiling matatag ang chain of command ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa gabay ng doktrina, rules of engagement at mga panuntunan sa hanay ng militar.

Facebook Comments