
Tiwala ang House prosecution team na wala ng makakapigil o makakahadlang sa nakatakdang pagsisimula sa July 6 ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, inaasahan nilang matatapos na din ang pre-trial conference bago ang July 6 upang hindi ito maka-apekto sa naka-eskedyul na simula ng trial proper.
July 18 noong nakaraang linggo nagsimula ang pre-trial conference at muli itong nagpapatuloy ngayon.
Sabi ni Diokno, hindi ito natapos agad dahil may mga kailangan pang markahan o tukuyin na mga documentary evidence ang panig ng prosekusyon at depensa na kanilang ipi-prisenta sa paglilitis.
Diin ni Diokno, malaking tulong ang pagsasagawa ng Senate impeachment court ng pre-trial proceedings para mapabilis ang presentasyon ng mga ebidensya kapag pormal ng nagsimula ang impeachment trial.










