Monday, June 22, 2026

Blue Alert status ng NDRRMC, nananatili dahil sa banta ng Bagyong Francisco

Nananatiling nasa Blue Alert ang status ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMC) dahil sa banta ng Bagyong Francisco sa bansa.

Kung saan epektibo ang nasabing status kahapon, June 21 ng alas-8 ng umaga para ma-monitor ang epekto ng nasabing bagyo.

Gayundin ang nagpapatuloy na operasyon sa epekto naman ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani.

Ayon sa NDRRMC, bagama’t mababa pa ang posibilidad ng pag-landfall sa bansa, patuloy na binabantayan ang posibleng epekto ng bagyo partikular na sa ilang bahagi ng Luzon.

Kaugnay nito, ang mga Detailed Duty Officers (DDOs) mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at respective technical staff mula sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ay inaasahan magdu-duty sa NDRRMC.

Habang ang Virtual Emergency Operations Center ay mananatiling aktibo para sa nagpapatuloy na koordinasyon sa NDRRMC Member-Agencies at sa Regional DRRMCs.

Facebook Comments