HULI │Suspek sa pagpatay sa kanyang business partner sa Compostela Valley, arestado

Manila, Philippines – Isang lalaki na suspek sa pagpatay sa isang negosyante ang inaresto ng mga tauhan ng PNP CIDG sa kanyang tinitirhan sa Brgy. Sto Cristo. Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Nolan Macansantos, alyas Nicco Santos 25 anyos, tubong Sto. Domingo Village Brgy Sasa Davao City.

Ayon kay CIDG Detective and Special Operation Unit Operations Chief, Senior Inspector Raydian Corales pasado alas-5:00 ng madaling araw kahapon ng maaresto ang suspek matapos ang isang taon na pagtatago.


Inaresto ito ng mga pulis bitbit ang warrant of arrest dahil sa kasong murder o pagpatay matapos ang tatlong Linggong surveillance sa suspek.

Si Macasantos ay suspek umano sa pagpatay sa kanyang business partner na si Lorence quijano na pinatay noong buwan ng Nobyembre nang nakalipas na taon at nakita ang bangkay na palutang lutang sa ilog sa Compostela Valley.

Sa ngayon nakakulong na sa CIDG Detention cell ang suspek at pinabubulaanan ang krimenng kinakaharap nito.

Facebook Comments