
Gagamitin ng Philippine National Police (PNP) ang extended na panahon sa 2028 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para lalong paigtingin ang election security planning nito pati na ang koordinasyon sa mga katuwang na ahensya.
Nabatid na kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglilipat sa susunod na regular BSK Elections sa November 13, 2028 at nagset ng 5 taong termino sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. dahil sa mas mahaba ang panahon para maghanda ay mas makikita nila ang mga kailangang ayusin,mga dapat na iimprove at ang mga bagong concerns na dapat paghandaan
Tiniyak naman ng PNP na patuloy nitong irereview ang mga karanasan nila sa seguridad tuwing eleksyon at ang koordinasyon sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang mga stakeholders.










