Saturday, September 26, 2026

Laban kontra human trafficking at pag-abuso sa iba pang migranteng PilipRino, hindi natatapos sa paglaya ni Mary Jane Veloso

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago ang pagpapanagot sa mga human trafficker, pagbibigay proteksyon sa mga migranteng Pilipino, at pagwawakas sa sistemang nagtutulak sa ating mga kababayan sa pagsasamantala.

Ayon kay Elago, hindi nagtatapos sa pagpapalaya kay Mary Jane Veloso ang laban kontra sa sistemang umaasa sa murang paggawa at sapilitang migrasyon na patuloy na naghahatid ng panganib sa ating mga kababayan sa trafficking, pagsasamantala at iba pang porma ng pang-aabuso.

Binanggit ni Elago na ang absolute pardon na ipinagkaloob kay Veloso ay tagumpay ng mamamayan na walang patid na nananawagan para sa kaniyang kalayaan sa loob ng 15 taon na siya ay nakabilanggo.

Diin ni Elago, hindi kusang-loob na dumating ang kalayaan ni Mary Jane dahil ito ay pinaglaban ng kanyang pamilya, mga migranteng Pilipino, taong simbahan, human rights defenders, women’s groups, lawyers, at mamamayang patuloy na nanindigan para sa kaniyang kapakanan.

Facebook Comments