Monday, June 22, 2026

Pagkakadawit kina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa larawan na ipinakita ng 18 ‘maleta boys’, hindi na dapat palakihin —Atty. Levi Baligod

Nakahanda sina Atty. Levi Baligod na harapin ang anumang kasong isasampa sa kanila nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Ito ay matapos lumabas ang mga larawan nina Pangilinan at Cuneta na kasama ng ilang miyembro ng dating bodyguards ni Zaldy Co nang gamitin umano ang air assets ng dating kongresista noong 2025.

Ngayong araw nang magtungo sina Baligod sa Department of Justice para magsumite ng rejoinder affidavit sa reklamo laban sa kanila na libel at cyber libel.

Sa ambush interview, itinanggi ni Baligod na siya ang gumawa ng presentation na inilabas sa isang pulong balitaan kasama ang ilang ‘maleta boys’.

Pero iginiit din niya na dapat hayaan na ang isyu lalo’t nanahimik na din naman umano ang mag-asawang sina Pangilinan at Cuneta.

Bukod kina Baligod, nagtungo rin ngayong Lunes sa DOJ ang dating mamamahayag na si Jay Sonza para maghain ng kanilang rejoinder affidavit kaugnay sa reklamong inihain sa kaniya noon ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Ayon sa abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino, naniniwala silang dapat ibasura ng prosekusyon ang reklamo ni Trillanes bilang isang siyang public figure.

Facebook Comments