
Nililikom na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga testimonyang ibinigay ni dating Blue Eagles Coach Tab Baldwin.
Ito’y kaugnay sa imbestigasyon sa pagkalunod ng dalawang student-athlete sa Aurora.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pino-proseso na ng bureau ang impormasyon mula sa mga indibidwal na kanilang ipina-subpoena.
Sapat na rin aniya, ang isa’t kalahating oras na pagtatanong kay Baldwin noong June 23 kung kaya hindi pa sila sigurado kung babalik pa ba ito sa bureau.
Una nang sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla, matatapos na ang imbestigasyon sa Aurora case build-up kasunod ng ginawang 100 interview at naipong 1,200 na page ng testimonya.
Sa Biyernes isusumite rin umano nila sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang naging pagsusuri para sa filing ng kaso.
Matatandaan noong June 8, nasawi ang student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili dahil sa umano’y pagkalunod.










