Iba pang mga Pinoy na patungo na ng Port of Sudan, kailangan munang maghihintay ng ilang araw para makatawid ng Saudi Arabia

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Egypt na kailangan munang pumila ng mga Pilipinong palabas ng Sudan sa oras na makarating sila sa Port of Sudan.

Kailangan pa raw kasi maghintay ng mga ito ng bangka o ng flight na kanilang masasakyan patawid ng Saudi Arabia.

Ito anila ang dahilan kung bakit pinaghahanda nila ng pera ang Pinoy repatriates.


Ayon sa embahada, kailangang may sapat na pera ang repatriates para sa kanilang limang araw na paghihintay sa Port of Sudan.

Iginiit naman ng Philippine Embassy na maraming matutuluyan pansamantala ang Pinoy repatriates pagdating nila ng Port of Sudan.

Facebook Comments