
Kabilang sa mga nagsagawa ng rally ang mga magsasaka mula sa Bicol, Southern Tagalog, Negros, at Central Luzon para kondenahin ang nagpapatuloy na militarisasyon sa mga katutubong komunidad at ang mga bantang kanilang natatanggap sa pagpapahayag ng kanilang karapatan sa lupa.
Kasama rin sa panawagan ng kanilang kilos protesta ang hustisya sa 19 na mga indibidwal o mas kilala sa Negros 19 massacre sa Taboso, Negros Occidental.
Kasama rin sa mga nagkasa ng kilos protesta ang grupong BAYAN at KARAPATAN para naman batikusin ang National Action Plan on Unity, Peace and Development ng administrasyong Marcos, ang blueprint para sa counterinsurgency policy na syang nagpapanatili sa naitatalang paglabag sa karapatang pantao.
Facebook Comments










