
Hindi dapat palagpasin ng Pilipinas ang pahayag ng China na tila may pagbabanta sa atin.
Ito ang sinabi ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna pa rin ng kontrobersiyal na pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na madali lamang silang mananalo kung gagamit ng pwersa kung gugustuhin.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, malabong maglabas din ng ganitong pahayag ang China sa ibang bansa na direktang humahamon sa awtoridad.
Hindi aniya dapat itong hayaan na paglagpasin na lamang lalo’t magmumukha lamang tayong mahina sa international community.
Bukod diyan, posible rin daw na magbigay ito ng mensahe sa ibang maliliit na bansa na walang maaaring tumindig laban sa bansang tinawag niyang bully, imperyalista at gahaman.










