Thursday, August 13, 2026

Iba’t ibang labor groups, muling nagkasa ng kilos-protesta sa DOLE

Muling sumugod sa Department of Labor and Employment (DOLE) Central Office sa Intramuros, Maynila ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ngayong umaga para muling ipanawagan na ituloy ang naunsyameng P85 wage hike sa National Capital Region (NCR).

Ito’y sa pangunguna ng bukluran ng manggagawang Pilipino at allied groups lead protest action kung saan hindi sila nagpatinag kahit masama ang lagay ng panahon.

Giit ng mga ito panibagong pambubudol ang Administrative Order 264 na inilabas ng DOLE na umano’y walang laman at hindi mapapakinabangan.

Sigaw rin ng grupo, agad ipatupad ang taas-sahod at huwag sundin ang ilegal o labag sa batas na TRO na inilabas ng Pasig Regional Trial Court.

Ayon sa mga ito buhay na may dignidad at sahod na nakabubuhay ang ipinagkait sa ginawang pagpigil sa pangakong sahod sa mga minimum wage worker.

Facebook Comments