Saturday, August 8, 2026

Regular na inspeksyon at maintenance ng mga infrastructure projects, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang obligadong pagsasagawa ng regular o periodic inspection at maintenance sa mga proyektong imprastraktura.

Nakapaloob ito sa House Bill 9780 na layuning matiyak na ligtas at dekalidad ang mga infrastructure projects ng national government sa buong bansa hindi masayang ang pondo.

Inaatasan ng panukala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng regular na pag-iinspeksyon sa mga infrastructure project kada lima o sampung taon.

Batay sa resulta ng inspeksyon ay isasagawa ang kailangang maintenance, pagsasaayos o rehabilitasyon sa mga proyekto.

Ang panukala ni Yamsuan ay umaayon sa Transparency Portal and Integrity Chain set up na itinatag ng Marcos administration na sumusubaybay sa estado at pondong nailalabas para sa mga proyekto ng DPWH.

Facebook Comments