
Tatlong pangunahing resulta ang tututukan sa US$600-million healthcare grant ng Estados Unidos para sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, prayoridad dito ang pagpapalakas ng disease surveillance, detection at outbreak response para mas mabilis na matukoy at matugunan ang pagkalat ng mga sakit.
Gagamitin din ang pondo para sa mas maayos na paghahatid ng health services at pagpapalakas ng financial management sa sektor ng kalusugan.
Kasama rin sa mga programang susuportahan ang pagtugon sa HIV, tuberculosis, tropical diseases, at kalusugan ng mga ina, bagong silang at mga bata
Facebook Comments










