Monday, August 10, 2026

Work-from-home sa gobyerno at alternatibong klase ipatutupad sa NCR at 15 probinsya dahil sa habagat

COURTESY: iFM News Dagupan

Ipinag-utos ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region at 15 na probinsya sa Luzon ngayong Agosto 10, 2026, bilang paghahanda sa patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng habagat.

Sakop nito ang Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Pangasinan, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro at Bulacan.

Samantala, ipatutupad ang alternative learning modes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nasabing lugar, maliban kung may ibang direktiba ang mga lokal na punong ehekutibo.

Gayunman, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng basic at health services, disaster response at iba pang mahahalagang serbisyo.

Maaari ring magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng suspension ng klase o trabaho sa gobyerno sa iba pang lugar, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Para naman sa mga pribadong kompanya, nakadepende sa kanilang pamunuan kung magpapatupad ng work suspension o alternative work arrangement.

Facebook Comments