
Tiwala si Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list Rep. Harold Duterte na lilipas din ang lahat ng hakbang laban sa pinsan nya na si Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni Rep. Harold makaraang magsampa ng kasong Grave Threats laban kay VP Sara ang Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) habang nagpapatuloy rin ang impeachment trial.
Binanggit ni Congressman Duterte na noon pang November 2024 nangyari ang sinasabing pagbabanta ni VP Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.
Ayon kay Rep. Harold, unang nagsampa ang National Bureau of Investigtion (NBI) ng affidavit of investigation sa DOJ hinggil dito noong January 30 2025 at batay sa DOJ rules, dapat maresolba ang kaso sa loob ng 100 araw.
Kaya ayon kay Congressman Harold, nakakapaghinalang makalipas ang mahabang panahon ay ngayon lang nagsampa sa korte ng kaso laban kay VP Sara ang DOJ na nataon pang tinalakay din sa impeachment trial ang isyu ng grave threats laban sa pangulo.










