Nagpakita ng malasakit at kahandaang tumulong ang mga tauhan ng Basista Municipal Police Station matapos matiyak ang ligtas na pagbabalik ng isang nakatatandang babae sa kanyang pamilya sa Basista, Pangasinan.
Ayon sa ulat, natagpuan ang senior citizen na naglalakad sa kahabaan ng Barangay Dumpay kung saan isang concerned citizen ang naghatid sa kanya sa himpilan ng Basista Municipal Police Station upang humingi ng tulong at matiyak ang kanyang kaligtasan.
Agad namang kumilos ang mga kapulisan at isinagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maihatid nang ligtas ang senior citizen pabalik sa kanyang pamilya.
Nagpasalamat naman ang Basista MPS sa mamamayang nagmalasakit at hindi nag-atubiling tumulong sa nakatatandang nangangailangan ng gabay at proteksiyon.
Muling ipinapaalala ng kapulisan na ang kanilang tungkulin ay hindi lamang pagpapatupad ng batas, kundi pati ang pagtulong at pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa oras ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










