Nagwagi ang anim na boksingero mula sa Dagupan City Boxing Team sa katatapos na Rise of Ilocos Norte Series II: Clash Across the Pacific na ginanap noong Oktubre 10, 2026.
Kabilang sa mga nagwaging atleta sina Daniel de Gracia, Janzer Balagot, Jacob Velasco, Elliazar James Quinto, Derrick Gonos, at Evo Crisostomo.
Samantala, nagpakita rin ng husay at determinasyon sina Carlo Marzan, Adriano Sanicolas, at Mark Noel Velasco sa kanilang mga laban.
Nagpasalamat naman ang koponan sa suporta nina Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, Vice Mayor Dean Bryan L. Kua, at Sports Development Officer IV Finnela T. Sim.
Kinikilala rin ang dedikasyon nina Head Coach Billy Jake Quinto at Coach Jeff Macaranas, gayundin ang walang sawang suporta ng mga magulang ng mga atleta.
Patunay ang naging tagumpay ng pagsisikap, disiplina, at determinasyon ng mga atletang nagbigay-pugay sa Lungsod ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











