Monday, October 12, 2026

NBI, iniimbestigahan ang posibleng money laundering na kinasasangkutan ng magkapatid na Duterte

Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation o NBI ang ilang ari-ariang iniuugnay kina Vice President Sara Duterte at Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte.

Ayon kay NBI Dir. Melvin Matibag, sisilipin nila ang umano’y malaking pagkakaiba sa halagang idineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN kumpara sa isinagawang independent valuation ng ahensya.

Sa paunang pagsusuri, may isang ari-arian na idineklarang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P890,000, ngunit tinatayang maaaring umabot sa P60 milyon ang aktuwal na halaga nito.

Pinangungunahan ni NBI Director Melvin Matibag ang imbestigasyon upang alamin kung may kaugnayan ang mga naturang ari-arian sa mga umano’y cash delivery na ibinunyag ni Rodulfo Gracioso.

Layunin ng NBI na matunton ang pinagmulan at daloy ng pera at matukoy kung ginamit ito sa pagbili ng mga real estate property.

Facebook Comments