Hinimok ni Senator Erwin Tulfo ang mga kapwa senador na mabilis na aprubahan ang West Philippine Sea Education Act o ang Senate Bill 1625 sa pagbabalik sesyon.

Kaugnay na rin ito sa panibagong claim mula sa mga Chinese scholars na ang Batanes ay bahagi ng teritoryo ng China.

Mariing kinondena ni Tulfo ang panibagong claim na ito ng mga Chinese scholars at tila “timing” ng pahayag na sumabay pa sa ika-10 taong anibersaryo ng makasaysayang 2017 arbitral ruling na pabor sa Pilipinas.

Ang agad na pagpapasa sa WPS Education Bill ang isa sa mga proactive measures na nakikita ng senador para mapigilan ang pagkalat ng naturang disinformation sa teritoryo ng bansa.

Sinabi ni Sen. Erwin na kailangan ang mabilis na pagkilos upang matiyak na hindi madaling mauto ng mga ganitong uri ng pag-angkin ang mga Pilipino.

Oras na maging ganap na batas, sinabi ni Tulfo na magkakaroon ng age-appropriate na pagtuturo tungkol sa ating teritoryo sa WPS na nakabatay sa desisyong kinikilala ng buong mundo, mga desisyon ng Korte Suprema, at mga batas ng Pilipinas na isasama sa mga learning materials.

Facebook Comments