Friday, July 17, 2026

PCG Spokesperson Jay Tarriela, pumalag sa paninisi sa kaniya ni Sen. Padilla matapos ilarawan ng Chinese media ang mga Pilipino na unggoy

Pumalag si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Jay Tarriela sa pahayag ni Sen. Robin Padilla kaugnay sa kontrobersiyal na Artificial Intelligence (AI) generated video ng Chinese state-media na naglarawan sa mga Pilipino na unggoy.

Ayon kay Tarriela, hindi wartime propaganda ang kanilang transparency na layon lamang isapubliko ang ginagawang pangha-harass ng China lalo na sa mga Pilipinong mangingisda at mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ni hindi raw sila ang gumagawa ng mga insidente kundi dino-dokumento lamang ito.

Naniniwala rin si Tarriela na insulto para sa mahigit 26 million na bumoto kay Padilla na ang pagtanggap ng senador na ilarawan tayo bilang mga unggoy.

Sinabi pa ni Tarriela na hindi niya kailanman tatanggapin ang unggoy ang kaniyang lahi at tunay na paggalang aniya sa ating lahi ay ang ipagtanggol ito at hindj tanggapin ang pang-iinsulto.

Facebook Comments