ICE DROP VENDOR, NATAGPUANG PATAY SA SANTIAGO CITY

29
Cauayan City, Isabela- Bangkay na nang matagpuan ang isang ice drop vendor sa Santiago City.

Nakilala ang biktima na si Romeo Fernandez Padua, 72-anyos, may-asawa, at residente ng Purok 7, Nabbuan, Santiago City.

Dakong alas 6:00 ngayong umaga, Setyembre 15, 2022 nang makita ang kanyang bangkay na nakahandusay sa gilid ng drainage canal kasama ang kanyang bisikleta na ginagamit sa pagtinda.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT Elmar Ventura, hepe ng Santiago City Police Station 4, sinabi nito na posibleng kagabi pa nangyari ang pagkahulog ng biktima sa drainage canal na malapit sa bukid at tumama ang kanyang ulo sa putik na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Nabatid din na nakainom umano ng alak ang biktima nang pauwi ito sa kanyang bahay.

Ayon pa sa hepe, walang nakitang sugat o palatandaan ng foul play sa kawatan ng biktima.



Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima sa sanhi ng pagkamatay nito at tumanggi na rin ang pamilya na isailalim ito sa autopsy.

Facebook Comments