
Pinuri ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña ang pasya ng liderato ng Senado na alisin ang unprogrammed funds sa 2026 national budget bilang tugon sa mga kontobersiya ng katiwalian.
Bunsod nito ay nananawagan si Cendaña kay House Speaker Faustino ‘Bodjie’ Dy na tularan ang hakbang ng Senado bilang bahagi ng pagsisikap na maibalik ang tiwala ng publiko sa Kamara.
Ayon kay Cendaña, ang mga importanteng proyekto na nakapaloob sa unprogrammed appriopriations ay dapat ilagay sa regular programming sa pambansang budget.
Ipinunto ni Cendaña na kung pananatilihin ang unprogrammed appropriations ay mapagdududahan ang mga hakbang para linisin laban sa korapsyon ang national budget.
Una ito ay pinuna ni Cendaña na umaabot sa 70% of unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2026 national budget na nakalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura na kinabibilangan ng ₱80.9 billion na Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Projects (SAGIP) funds.









