
Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamo ang misis at anak ni dating Rep. Mike Defensor sa Pasig City Prosecutor’s Office.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang isinampa laban kina Julie Rose Defensor, Miguel Gabriel Defensor, at iba pa.
Kaugnay ito ng isinagawang pagsalakay ng NBI sa isang disco bar sa Pasig kung saan nasagip ang 54 na kababaihang biktima.
Batay sa imbestigasyon, naganap umano ang exploitation sa mga kuwarto ng isang hotel na pagmamay-ari ng kumpanyang pinamamahalaan ng mag-inang Defensor.
Sa ulat ng NBI, pinagtatrabaho umano ang mga biktima bilang “customer care assistants” para sa sexual exploitation.
Binabayaran umano ang mga ito ng ₱10,000 hanggang ₱20,000.
Nadiskubre rin ng ahensya ang umano’y paggamit ng ilegal na droga sa loob ng establisimyento.










