
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na natanggap na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang karagdagang 42 balikbayan boxes na unang natengga sa Bureau of Customs (BOC).
Ang naturang balikbayan boxes ay kasama sa mishandled na mga package.
Partikular na inihatid ang balikbayan boxes sa tahanan ng OFWS sa Cavite, Batangas, at Negros Occidental.
Nitong nakalipas na taon, 9,997 delayed balikbayan boxes ang naihatid sa OFWS.
Ilang sa mga padala ng OFWs sa kanilang pamilya sa Pilipinas ay naipit noong COVID-19 lockdown.
Ilan din sa OFWs ang nabiktima ng balikbayan boxes scam.
Facebook Comments