Ilang bahagi ng Quezon City at Valenzuela, mawawalang ng suplay ng tubig ngayong araw hanngang bukas

Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City at Valenzuela simula alas-10:00 ng gabi mamaya hanggang alas-4:00 ng hapon sa Huwebes.

Ayon sa Maynilad, kukumpunihin nila ang mga tumatagas na tubo sa Barangay Sauyo at valve replacement sa Regalado, Fairview, Quezon City kung kaya’t pansamantalang mawawalan ng tubig ang mga baranagay ng Bagbag, Batasan Hills, Commonwealth, Fairview, Gulod, Holy Spirit, Nagkaisang Nayon, San Bartolome, Santa Lucia at Talipapa.

Apektado din sa nasabing pagkukupumpuni ang barangay Ugong sa Valenzuela City.


Inaabisuhan naman ng Maynilad ang mga consumers nito na ngayon pa lamang ay mag-ipon na ng tubig lalo na’t tumitindi ang init ng panahon.

Facebook Comments