MGA ESTABLISYEMENTO AT AMBULANT VENDORS SA ALAMINOS CITY, ININSPEKSIYON NGAYONG PASUKAN

Sinuyod ng pamahalaang lungsod ng Alaminos City ang mga establisyemento at ambulant vendors na matatagpuan sa mga lugar malapit sa mga paaralan at iba pang dinarayo ng mga mag-aaral noong Hunyo 9, 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, pinagtuunan ng aktibidad ang paligid ng mga school campuses, gayundin ang pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at regulasyon sa lungsod.

Binigyang-diin na bahagi ito ng paghahanda sa mga pampublikong lugar, lalo na sa panahon ng pagdagsa ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.

Kasabay ng inspeksyon, isinagawa rin ang general assembly para sa community-based project ng mga miyembro ng Bida sa Pagbabago–Alaminos City Association (BPACA).

Inilatag naman dito ang mga programa, proyekto, at inisyatibong nakatuon sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, target nitong suportahan ang livelihood development ng mga miyembro sa mga proyektong pangkabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments