Wednesday, July 22, 2026

NCRPO, all set na para sa SONA 2026

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para tumiyak ng seguridad sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen. Anthony Aberin, nakalatag na ang lahat ng mga hakbang pang-seguridad para matiyak ang ligtas, payapa at maayos na SONA.

Nasa kabuuang 21,261 na mga police personnel ang ipakakalat para sa nasabing aktibidad kung saan palalakasin ito ng 3,000 mga standby personnel mula sa Police Regional Office (PRO) 2, 4B, at Region 5.

Dagdag pa nito, 11,196 na Civil Disturbance Management (CDM) personnel ang inaasahang titiyak sa maayos na pagsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon.

Kabilang sa iko-ocover ng nasabing deployment ang House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, mga pangunahing kalsada, transport terminals, mga itinalagang rally zones, government installations at iba pang mga critical areas sa Metro Manila.

Samantala, ilalagay naman sa full alert status ang NCRPO sa July 24 ng alas-5 ng hapon para sa paghahanda sa SONA.

Habang iimplementa naman ang No Fly Zone/No Drone Zone sa mga itatalagang lugar at magkakaroon ng pagsuspende ng Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa July 27 bilang parte ng pangkalahatang seguridad sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments